Saturday, November 3, 2018


Bago ko simulan ang sulating ito, nais kong balikan ang sinabi ni Julien S. Bourrelle sa dulong parte na “Challenge yourself to see the world in the perspective of others, challenge yourselves to be aware of your own biases, of your own expectations and in the way you perceive other people’s behaviour. If we all do these, we are going to solve some of the biggest challenges our societies and generations are facing.” Kadalasan nating nakakalimutang umintindi base sa sitwasyon ng ibang tao, at madalas lamang tayong nakabase sa iba’t ibang kadahilanan na nakakaapekto sa atin; tulad ng pagpapalaki, mga nakakasalamuha, relihiyon at kultura. Ikinamangha ko ang kaniyang pagsaad ng mga pagkukulang natin bilang isang indibidwal sa mga tao sa paligid natin, na kung iisipin ay isang kaisipang alam naman natin, ngunit hindi natin nagagawang madalas. Ngayon, tayo naman ay magpatuloy sa mga pakinabang at epekto ng pagiging positibo sa sitwasyon na siya ring ginawa ni Bourrelle.  Sa pananaw ko’y mayroong tatlong pakinabang ang pagiging bukas at positibo ukol sa kultura ng ibang tao, at ito ay ang paghahanda sa ating makinig, magsalita at matuto ukol na rin sa tao at kultura ng tao. Bago tayo maging positibo sa kultura, kailangan muna nating maging handa at tanggapin ang katotohanang may iba’t iba pang kultura, at hindi lang tayo ang mayroon nito. Pagkatapos nating maging maging handa ay makakayanan na nating makinig, magsalita at matuto hinggil sa aspetong ito. Ang epekto naman nito ay marami tayong matututunan sa iba’t ibang kultura at ating malalaman paano tayo mapapabuti kung tayo’y makikipaghalubilo, kasabay  ang katotohanang lahat ng kultura’y may ugat at pundasyong siguradong mayroon tayong mapupulot na mga aral. Kailangan nating isa-isip na walang saradong tao ang natututo. Ang kultura ay malaking impluwensiya sa buhay ng tao. Nakakaimpluwensiya ito sa pananaw, pinpahalagahan, pinaniniwalaan, inaasahan, kinasasayahan at kinatatakutan. Sa madaling salita, ang pagtanggap sa kultura ng isang tao ay pagtanggap na rin sa isang tao. Makakapagsimula ito ng pundasyon at makakapagpatibay ng relasyon. Sa pananaw ko’y dapat ikagalak natin ang pagaaral ng kultural na dibersidad, sa kagahilanang ang mga taong nagsasama-sama’t  nagkakaisa’y mga taong nakakatapos kaagad.

No comments:

Post a Comment