A.
KOLEKTIBONG KULTURA
“Lupang
Hinirang” ang ngalan ng ating pambansang awit, awit na napagiisa ang mga
mamamayan ng Pilipinas – kung saan ang pagbigkas ng “handa, awit” ay
nagsisilbing palatandaang tigilan ang ginagawa at kumanta ng pambansang awit,
habang inaalala ang kagitingan ng mga Pilipino para ipaglaban ang ating bansang
Pilipinas. Ito ay kulturang masasabi nating sariling atin, isang uri ng sining
na mananatili sa ating puso, tulad ng pagmamahal ng mga sinaunang Pilipino sa
bansang ating sinilangan. Ang Lupang Hinirang ay produkto ng rebolusyon, isang
matagumpay na rebolusyon. Ito’y unang narinig noong Hunyo 12, 1898 kung saan si
Emilio Aguinaldo ay pinroklama ang Pilipinas bilang kauna-unahang republika sa
Asya na malaya sa kanyang mansyon sa Kawit Cavite. Sa araw ring ito unang
winagayway ang ating pambansang bandila. Noon namang 1956, ang opisyal na lyrics neto ay ginawa ng Surian ng
Wikang Pambansa (Institute of National
Language), na siya na ring ginagamit natin hanggang sa kasalukuyan.
Ang “Crab Mentality” o utak-talangka ay kaugalian kung saan
ang isang taong nakakaangat ay hihilahin ng isa pang taong nasa ilalim. Ito ay
pinaniniwalaang isa sa rason kung bakit mahirap umangat sa Pilipinas, tulad ng
ekonomiyang naghihikapos, ang kaugalian rin ng ilang Pilipinong utak-talangka’y
nagrarasong maging kapos ang taong umaangat, at ang walang ginagawa para
umangat ay mananatili lamang nakatunganga’t nahila.
No comments:
Post a Comment